Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

PNP COVID case sumirit pa sa higit 9K

0 388

Umabot na sa 9,809 miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) matapos ang karagdagang 52 bago kaso ngayong weekend.

Base sa ulat ng PNP Health Service, mayroon namang 25 karagdagang pulis ang gumaling sa nakamamatay na sakit kaya aabot na sa 9,269 ang nakarekober sa kanilang hanay.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa ngayon ayon pa sa PNPHS ay mayroon pang 512 na mga pulis ang may aktibong kaso ng COVID-19 na ngayon ay nagpapagaling sa mga ospital at quarantine facility ng PNP.

Nanatili sa 28 ang nasawi sa kanilang hanay dahil sa COVID-19.

Samantala ayon kay PNP Deputy Chief for Administration Lt. Gen. Guillermo Eleazar, mayroon ng 93,594 mga pulis ang sumailalim na sa swab test mula sa kabuuang 219,467 kabuuang miyembro o 42.65 porsyento. (Edwin Balasa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.