Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

PNP chief sinipa 2 adik na bagitong pulis

0 245

Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) chief Genenral Debold Sinas ang pre-charge investigation at pagsibak sa serbisyo ng dalawang bagitong pulis matapos itong magpositibo paggamit ng iligal na droga.

Kinilala ang dalawa na sina Patrolman Reyland Lacap Intal ng Olongapo City Mobile Force Company, at Patrolman Benhur Ismael ng 2nd Sulu Provincial Mobile Force Company.

“If left undetected, these two police rookies will continue with their drug use and perhaps influence others. They will have to go because there is no place for addicts in the PNP,” pahayag ni Sinas.

Dinisarmahan na ang dalawang pulis at inilagay na sa restrictive custody na sa kani-kanilang unit habang patuloy na gumugulong ang imbestigasyon.

Nagpositibo si Intal sa paggamit ng marijuana sa isinagawang random drug test sa 397 mula sa kabuuang 422 police personnel ng Olongapo City Police Office nitong Enero 15. Kasunod ito ng pagkakadakip sa apat na Olongapo police na protektor ng sinalakay na cladestine shabu laboratory sa loob ng Subic Bay Freeport.

Samantala nagpositibo naman si Ismael sa paggamit ng shabu noong Enero 14, 2021. (Edwin Balasa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.