Una sa Balita

PNP chief ninong sa mass wedding

0 266

Tumayong ninong at ninang si Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Archie Francisco Gamboa at ang kanyang maybahay na si Mrs. ­Rozanne Gamboa sa isi­nagawang Valentine’s Day mass wedding sa Camp Crame kahapon nang umaga.

Kasama rin sa mga principal sponsor sina P/Lt. Gen. Camilo ­Pancratius Cascolan at maybahay nitong si Mrs. Amelita Cascolan, P/Lt. Gen. Guillermo ­Eleazar at Mrs. Rosalie ­Eleazar; at P/Maj. Gen. Cesar Hawthorne Binag at maybahay nitong si Dr. Maria Agnes Binag.

Dalawampu’t limang pares ang kinasal kung saan 22 sa mga groom ang mga pulis, ­dalawa ang sibilyan at isa ang non-uniformed ­personnel (NUP).
Sa hanay naman ng mga bride, walo ang ­pulis, 15 ang sibilyan at ­dalawa ang NUP.

Pagkatapos ng kasalan sa Saint Joseph Church sa Camp ­Crame ay isang reception ang idinaos sa PNP Multi Purpose Center.

Tradisyonal na ­ginagawa sa Camp ­Crame ang mass ­wedding tuwing araw ng mga puso pero mas maaga itong ginawa ngayong taon. (Edwin Ba­lasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More