Una sa Balita

PNP bumaligtad! Mga lalabag sa curfew aarestuhin

0 502

Dahil sa patuloy na pagdami ng mga lumalabag sa curfew ay binawi na ng Joint Task Force Corona Virus Shield (JTF CV) ang kanilang unang pahayag na hindi mang-aaresto at bibigyan na lang muna ito ng babala ayon sa kanilang quarantine rules.

Base kasi sa unang pahayag ng JTF CV Shield, matapos ang booking procedure sa mga mahuhuling curfew violators ay agad na itong pauuwiin imbes na ikulong at pagpiyansahin.

Subalit ayon kay Police Major General Guillermo Eleazar, ang hepe ng JTF CV Shield, hindi na mapigil ang mga tao sa paglabag sa quarantine rules dahilan upang lumubo pa ang mga curfew violators.

Base sa mga ulat ng ibat-ibang Local Government Units (LGU’s) sa JTF CV base na rin sa mga impormasyon mula sa mga police commanders na nagpapatupad ng checkpoints ay umabot na sa 42,826 na ang nahuhuli sa curfew sa loob ng 11 araw ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) mula Marso 17 hanggang 27.

Sa nasabing bilang, 12,094 sa mga lumabag ay mula sa Metro Manila.

Dahil sa ganitong situwasyon, sinabi ni Eleazar na tuloy ang pag-aresto at pagsasampa ng kaso sa mga curfew violators, ang mga madadakip ay agad dadalhin sa presinto para imbestigahan at masampahan ng kaukulang kaso.

“As to the filing of the charges against curfew violators, consultation with DOJ Secretary Menardo Guevarra through DILG Secretary Eduardo Año revealed the existence of the e-inquest project of the Justice Department, which is the conduct of a virtual inquest proceedings using any online platform for video calls and conferences and all available electronic communications,”paliwanag ni Eleazar.

Kung wala namang internet connection o online facilities ang isang istasyon ng pulis ay isasagawa ng imbestigador ang regular filing laban sa mga nahuli sa curfew.

Ang nasabing guidelines ayon kay Eleazar ay kinunsulta na rin niya kay Philippine National Police (PNP) chief General Archie Gamboa na agad naman nitong inaprubahan.

Samantala nakipag-usap na si Eleazar sa mga LGU para sa mahuhuling curfew violators na ilagay ang mga ito sa maluwag na temporary detention centers para naman maimplementa ang social distancing.(Edwin Balasa)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More