PNP binaha ng tips dahil sa P1M reward

By

Dinagsa ng tawag ang Philippine National Police (PNP) hinggil sa kinaroroonan ng mga bandidong Abu Sayaff sa Bohol.

Ito ay matapos ianunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na magbibigay ng P1 million na reward sa kada Abu Sayaff na mahuhuli sa pamamagitan ng impormasyo o tip.

Ayon kay PNP Chief Director General Ronald dela Rosa, abala na ngayon ang mga pulis sa paggalugad sa mga lugar na itinimbre ng mga tipsters.

Sinabi ni Dela Rosa na posibleng tumawid na sa ibang lugar sa Visayas ang mga bandido, pero mas malaki pa rin ang tiyansang bumalik ang mga ito sa kanilang kuta sa Mindanao.

Sa bahagi ng Armed Forces of the Philippines (AFP), tiniyak ng Philippine Army na hindi  makakaligtas ang mga bandido dahil gagawing regular at round-the-clock ang pagpapatrulya sa mga lugar na posibleng lagusan nila papasok at palabas sa iba’t ibang probinsya sa Visayas at Mindanao.


SHARE