Una sa Balita

PNP bahalang maglinis ng hanay — Go

0 321

IPINAPAUBAYA ni Sen. Christopher Lawrence ‘Bong’ Go sa Department­ of Interior and Local Government (DILG) ang imbestigasyon ukol sa umanoy pagkakasama sa narco-list ng panga­lan ni Police Lt. Col. Jovie­ Espenido, kasabay ng pahayag na tuloy lamang ang kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.

Sa pahayag ni Go, ang pagkasama ni Espe­nido sa drug list ay kasalukuyan pang bineberipika ng DILG at Phi­lippine National Police (PNP).

“Regardless of the outcome, this only affirms the government’s consistency in adhering­ to a zero tolerance po­licy on fighting illegal drugs,” ani Go.

Ipinauubaya rin ni Go sa PNP ang paglilinis sa kanilang hanay upang masiguro na hindi sila mahahaluan ng mga tiwali at sangkot sa iligal na droga.

“We gave our trust to the officials of the PNP and they know that together with the trust given to them is the responsibility to hold themselves and their ranks accountable for any accusation of wrongdoing. This is part of their duty to restore the integrity of their ins­titution and fulfill their mandate to serve and protect the Filipino people,” ani Go.

Iginiit naman ni Go na patuloy pa rin ang tiwala niya at ni Pangulong Rodrigo Duterte na magagampanan ng pulis­ya ang kampanya laban sa iligal na droga.

Nauna nang hiniling ni Sen. Panfilo Lacson sa liderato ng PNP na mag-sorry kay Espenido kung ang pagkakasama nito sa narco-list ay base sa lumang listahan ng mga sangkot sa iligal na droga.

Ani Lacson, chairman ng Senate committee on national defense and security, nilinis na ang pangalan ni Espenido sa lumang narco-list kaya hindi makatarungan na kaladkarin ang pangalan nito sa ginagawang pagpurga ng liderato ng PNP sa ‘narco cops’.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More