Una sa Balita

PNP alisin sa tambay crackdown — Ping

By
0 1,098

Pinayuhan ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson ang Philippine National Police (PNP) na ipaubaya sa local level ang operasyon laban sa mga tambay.

Ito ay makaraang mapansin ng dating lider ng Pambansang Pulisya na ang mga pag-aresto sa mga tambay ay batay sa mga lokal na ordinansa.

“If they say, being ‘tambay’ violates local ordinances, keep it local. The Chief PNP doing all the explaining and justifying instead of the concerned local chiefs of police only adds up to the suspicion and criticisms,” saad ni Lacson, chairman ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs.

Sinabi ni Lacson na dapat ipamahala sa mga local chief of police ang pagpapatupad ng mga ordinansa sa ilalim ng probisyon ng PNP Law.

Tinukoy pa ng senador ang tagumpay ng anti-criminality campaign sa Davao City sa ilalim ni dating Mayor Rodrigo Duterte.

“The highly successful Davao City anti-criminality experience under then Mayor Rodrigo Duterte gained widespread, almost unanimous public support from Davaoeños, and as recent history tells us, even catapulted­ him to where he is now,” diin nito.

Kahalintulad na ta­gumpay din ang naitala sa Marikina City, sa administasyon ni da­ting Mayor Bayani Fernando.

Maaari aniyang m­a­ging ‘good template’ ng PNP ang mga hakbangin ng dalawang lokal na administrasyon.