Una sa Balita

PNP, AFP, PCG personnel may 20% discount sa bus

By
0 654

Simula kahapon, Pebrero 10 ay sinimulan na ang 20 porsiyentong diskuwento ng mga kagawad ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Coast Guard (PCG) sa mga pampublikong bus na biyaheng lungsod o probinsya.

Sa memorandum of agreement na isinagawa ng Department of Transportation (DOTr) at sinuportahan ng Land Transportation Franchi­sing and Regualtory Board (LTFRB) sa pakiki­pagtulungan ng mga private bus company ay pagkakalooban ng 20 porsiyentong diskuwento ang lahat ng uniformed personnel sa lahat ng public utility buses.

Lahat ng personnel mula AFP, PNP PCG, na nasa active duty ay kuwalipikado sa 20 porsiyentong diskuwento sa kanilang pamasahe sa lahat ng mga city and provincial bus.

Kabilang sa mga dumalo sa signing ng MOA ay sina AFP Chief of Staff General Benjamin Madrigal Jr., PNP Chief Director General Oscar Albayalde, PCG Commandant Admiral Elson Hermogino at LTFRB Chairman Martin Delgra III.

Para ma-avail ang diskuwento, kinakailangan lang ng isang uniformed personnel na mag presenta ng isang valid ID bilang katibayan na aktibo sila sa serbisyo.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More