Una sa Balita

PNP, AFP payagan din mag-doktrina sa mga estudyante — Bato

0 406

DAPAT umanong payagan ang mga pulis at militar na magsagawa ng doktrina sa mga estudyante sa mga pampublikong unibersidad at kolehiyo para hindi ma-brainwash ang mga ito mula sa panghihikayat na mga makakaliwa at mga komunistang grupo.

Ayon kay Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa, malaking dagok diumano sa pamahalaan kung hindi papayagang makapasok sa loob ng mga campus ang mga pulis at military.

“Meron silang polisiya doon na bawal pumasok ang pulis o military sa loob ng kanilang campus para ma-avoid daw ang militarisasyon in the guise of academic freedom daw,” sabi ni Dela Rosa panayam sa dzBB kahapon.

“Pero hinahayaan nila yung mga komunista na mag-recruit ng mga kabataang menor de edad sa loob ng kanilang paaralan,” dagdag nito.

Isa aniya sa mga institusyon ay ang University of the Philippines (UP) kung saan nagkaroon ng kasunduan ang League of Filipino Students (LFS) at ang Department of National Defense na nagbabawas sa mga pulis at military na basta na lang pumasok sa mga campus nang walang awtorisasyon ng university administration. (Dindo Matining)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More