Una sa Balita

PNP, AFP, Comelec kasado sa BOL, midterm elections

0 429

Kasado na ang seguridad para sa preparas­yon ng 2019 mid-term election at plebesito ng Bangsamoro Organic Law (BOL).

Ito ang kinumpirma ng pinagsamang puwersa ng Armed Forces of the Phi­lippine (AFP), Philippine National Police (PNP) at Commission on Election (Comelec) sa isang pulong kahapon kaugnay sa pinal na koordinasyon, security plan at preparasyon sa nalalapit na dalawang eleksyon.

Dinaluhan ang Natio­nal Joint Peace and Security Coordinating Center meeting nina PNP Chief Director General Oscar Albayalde, AFP Chief of Staff General Benjamin Madrigal at Comelec Chairman Sheriff Abas sa multi-purpose hall sa Camp Crame.

“Finalized areas of concern with regards sa midterm elections? Me­ron na tayong listahan but not necessarily that all these 18 cities and municipalities will be under comelec control. As of this time narinig natin ‘yung ating chairman (Comelec Chairman Sheriff Abas) na me­ron palang dalawa na kinokonsider sila. One is Cotabato and Daraga but with us ‘yung amin is just a departamental use ‘yun,” pahayag ni Albayalde.

Dagdag pa ni Alba­yalde, patuloy ang gagawing diskusyon ng tatlong ahensya ngayong Enero hanggang Mayo para sa patuloy na paghahanap sa mga loose firearm gayundin ang muling pagpapatupad ng Comelec gunban.

“Meron pa tayong gagawin na mga series of coordinating conference before, during and after the conduct of the plebiscite nitong January and also before, during and after the conduct of the local and national elections ng may 2019. continuous ang aming conference,” saad ni Albayalde.

Isa pa sa tinalakay sa naganap na pagpupulong ang kampanya kontra sa Private Armeg Groups (PAG’s) upang mapigil ang posibleng violence outbreak dahil sa political rivalry ng magkakalabang pulitiko.

Sa ngayon ani Albayalde ay mayroong 77 PAG’s base sa kanilang pagtataya at maari rin itong mas dumami o mas kumonti.(Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy