Una sa Balita

PNoy pinagpapaliwanag ng SC

By
0 0

Bago tuluyang bumaba sa puwesto, nais ng Korte Suprema na magbigay ng kanyang paliwanag si Pa­ngulong Noynoy Aquino kaugnay sa kinukuwestiyong pagtatalaga nito sa dalawang Sandiganbayan justices.

Si Pangulong Aquino ay binigyan ng SC ng 10 araw para maghain ng komento sa petisyon ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) kung saan nakasaad na lumabag umano ang Malacañang sa Konstitusyon nang italaga nito sina Associate Justices Geraldine Faith Econg at Michael Frederick Musngi sa anti-graft court.

Ayon sa IBP, nilabag ni Pangulong Aquino ang Section 9, Article VII ng Konstitusyon nang hindi nito italaga sa bakanteng pwesto sa Sandiganbayan ang sinuman na nasa shortlist na isinumite ng Judicial and Bar Council (JBC).

Abante Hiring – IT dep

Labag umano ang pagpili ni Pangulong Aquino kina Musngi at Econg na parehong nasa JBC shortlist para sa 21st vacancy gayong ang dapat ay sa hanay ng mga nominado para sa 16th vacancy pumili ang Pangulo.

Nakasaad sa Article VIII ng Konstitusyon na ang mga myembro ng hudikatura ay itatalaga ng Pangulo mula sa listahan ng Judicial and Bar Council na inihanda para sa bawat vacancy.