Una sa Balita

PNoy handang umalalay kay Duterte

By
0 39

Handa si Pangulong Benigno Aquino III na alalayan si incoming Pre­sident Rodrigo Duterte sa pagsalo ng kapangyarihan at trabaho ng bagong Pa­ngulo ng bansa sa Hunyo 30.
Ito ang naging sentro ng pag-uusap nina Aquino at Duterte sa cellular phone noong Huwebes ng hapon nang bumisita ang transition team ni Duterte sa Malacañang.

“We had a conversation, perhaps short conversation, about a minute or so ‘no, wherein I congratulated him. I think we asked each other how we were and I reiterated the offer to be of assistance, in any and every manner that they need it. And, more or less, that was ano, it was a pleasant conversation, that’s how it ended,” paglalahad ng Pangulo matapos ang ibi­nigay na pananghalian sa Malacañang Press Corps sa isang sikat na Chinese restaurant sa Binondo, Maynila kahapon.

Kabilang sa mga mi­yembro ng transition team na bumisita sa Malacañang ay sina incoming Executive Secretary Salvador Medialdea, Cabinet Secretary-designate Leoncio Evasco Jr. at Presidential Management Staff (PMS) designate at Duterte executive assistant Cristopher “Bong” Go.

Ayon kay Pangulong Aquino, unang binisita ng grupo ang tanggapan ni Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. bago tumungo sa kanyang tanggapan. Doon ay ibinahagi niya ang naging karanasan nila sa nakalipas na anim na taon.

“We went through Malacañang to show them  physical layout and then we proceeded to Malacañang Park, showed them Bahay Pangarap and various facilities within Malacañang Park and that’s where they got in touch with President-elect Duterte,” kuwento ng outgoing President.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy