Una sa Balita

PNoy driver na lang ni Kris!

By
0 6

Matapos bumaba sa kanyang puwesto bilang presidente ng ­‘Pinas si Noynoy Aquino, ­driver na lang ito ngayon ng kanyang bunsong kapatid na si Kris Aquino.

Ipinakita ni Kris sa kanyang Instagram account ang isang ­video footage mula sa flipgram application na nakaposte sa kanyang social media wall, ang pagmamaneho ni PNoy ng kanyang sasakyan.

Sa message caption ni Kris sa video footage, nagtanong daw ang anak niyang si Bimby kung bakit dina-drive nito ang sasakyan ng Mommy niya.

Sinagot ni Kris ang anak na tuturuan daw siyang mag-drive ni Noy kaya niya pinag-drive ito.  At dapat daw ngayon pa lang ay hawakan na niya ang manibela nito para sa gagawing pagtuturo sa kanya.

Ipinapakita lang ni Kris sa netizen ang haharaping simpleng buhay bilang ordinaryong mamamayan ng Pilipinas ng kanyang kapatid ngayong hindi na ito presidente.

Nais ring ipaintindi ni Kris sa kanyang mga followers kung paano nila sinusuportahan ngayon ang kapatid sa pamumuhay matapos ang anim na taong paninilbihan bilang ­pangulo ng bansa.

Nasa posting din ng mga larawan ni Kris ang bonding nilang buong pamil­ya kabilang ang kanyang mga ka­patid at pamangkin noong Linggo.

“Our Sunday, Tito Noy drove us to church from family lunch.  My two boys said, why Tito Noy using your car? I said because he’ll teach me how to drive, so he needs to get used to this car.  #family #nextchapter #BestBrother.”

Makikita naman sa mga photos ang masayang pagsasama ng buong pamilya nina Kris.

Sa ngayon namumuhay si Kris nang walang stress na hindi siya nagpapasaring sa kung kanino o sa kahit na anong isyu dahil wala pa namang isyung ipinupukol sa kanyang kuya.

Tahimik din si Kris sa mga espekulasyon ng paglipat niya sa GMA 7 mula sa ABS CBN 2 na naging tahanan niya nang maraming taon.