Una sa Balita

PNoy allergic sa TV news!

0 80

Kung si incoming Pre­sident Rodrigo Duterte ay kaaway ang media, inamin naman ni outgoing President Benigno ‘Noynoy’ Aquino III na allergic siya sa mga balita sa telebisyon.

Ito ang naikuwento ni Pangulong Aquino sa mga graduates ng Department of Public Workrs and Highways (DPWH) engineering program na bumisita sa Malacañang kamakalawa ng hapon.

“Ako sa totoo lang hindi ako nanonood ng news ‘no. Babasahin ko ‘yung dyaryo. Lahat naman ng mga significant events merong pini-prepare sa akin everyday ‘no, inside and outside the country,” wika ni PNoy.

Aniya, kapag may mga balitang pinagdududahan niya, agad niyang tinatawagan ang mga opis­yal na nakakaalam dito upang magbigay ng linaw sa kanya.

“I have access to all the intelligence apparatus of the country. If there’s something I need to know, I can talk to the source instead of the filter ‘di ba?” paliwanag ni PNoy.

Sinabi pa ng Pangulo na kahit anim na taon siyang gumagawa ng tama, may mga miyembro naman ng media ang walang ginawa kundi batikusin siya araw-araw.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy