Una sa Balita

Pneumonia hindi MERS-CoV sa OFW na galing Saudi

0 301

SAKIT na pneumonia ang iniinda at hindi Middle East respiratory syndrome coronavirus (MERS-CoV) ang dumapo sa isang overseas Filipino worker (OFW) na inoobserbahan ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Nabatid kina Health Undersecretary at Spokesperson Eric Domingo­ at Glenn Ramos, Public Information Officer (PIO) ng DOH-Calabarzon (Cavite,Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) na negatibo sa sakit na MERS-CoV ang OFW na unang nakitaan ng sintomas ng respiratory illness.

Ayon kina Domingo at Ramos, Miyerkoles nang gabi pa lamang ay lumabas na ang magandang balita na nega­tibo sa MERS-CoV ang OFW, 47, at resi­dente ng Sta. Cruz, Laguna.

“The patient tested negative for MERS-CoV,” ayon kay Domingo.

Ginagamot na ngayon ang sakit na pneumonia ng OFW na kauuwi lamang buhat sa Saudi Arabia.

Magugunita na dakong alas-11:00 nang gabi ng Martes unang isinugod ng kanyang mga kaanak sa Laguna Doctors Hospital ang OFW.

Balik na sa normal ang operasyon ng emergency room ng nabanggit na ospital.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy