Una sa Balita

PNA reporter wagi sa essay contest sa Beijing

0 310

NASUNGKIT ni Kris Crismundo business reporter ng Philippine News Agency (PNA) ang second place sa Belt and Road Initiative (BRI) essay writing contest ng China Global Television Network (CGTN).

Ito ang inanunsyo ng China state-owned media network kaugnay sa mga nanalo sa ‘CGTN Belt and Road: Share Your Story’ contest na nilahukan ng mga journalist mula sa buong mundo.

Tumanggap ang kompetisyon ng mahigit sa 100 entry mula sa 42 bansa sa Asia, Europe, Africa, at Latin America.

Nasa 18 essay mula sa 16 country ang napiling wagi; tatlo para sa 1st place; anim sa second place, at siyam sa third place.

Isa pang entry mula sa Pilipinas na sinulat ni Maria Clara Bernadette dela Cruz ang nanalo ng third place.

Ang ipinanalong entry ni Crismundo na ‘Starting Points’ na tumalakay sa kanyang pagbisita at pagsasalarawan sa pagkakaiba ng dalawang siyudad sa China–ang Xi’an at Beijing.

Nabanggit din ni Crismundo sa kanyang sinulat na sa kabila ng pagkakaiba ng Xi’an at Beijing ay kapwa ito naging sentro ng East Asian country.
Nakatakdang ilabas ng CGTN ang mga nanalong entry simula nitong Abril 15, 2019.

Anim na taon na si Crismundo sa PNA at nakabase ito sa Beijing para sa China-Asia Pacific Press Center (CAPPC) 2019 Program. (PNA)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy