Una sa Balita

PMA tatalupan sa pagkamatay ng kadete sa hazing

0 349

MARIING kinondena ng tatlong mambabatas ng ACT-CIS Partylist ang pagkamatay ng isang bagitong kadete dahil sa hazing sa loob ng Phi­lippine Military Aca­demy (PMA) sa Baguio City.

Base sa medico legal report ng PNP, namatay si 4th class Cadet ­Darwin Dormotorio dahil sa bugbog kaya nagkaroon ng internal bleeding na ­siyang sanhi ng ­kanyang kamatayan.

Dahil sa insidente ay nakatakdang maghain ng resolusyon si Cong Eric Yap para ­ipatawag ang mga opisyal ng PMA at ­magpaliwanag kung bakit nakalusot na ­naman sa kanila ang ganitong uri ng pang-­aabuso, gayong bawal na ang hazing.

“Gusto nating malaman kung ano ang nangyari bakit may namatay na kadete sa hazing habang nasa kanilang pangangalaga” ani Yap.

Tanong naman ni ACT-CIS 3rd Rep. Nina Taduran, “Hindi ba’t disiplina at pagsunod sa utos ng mga nakakataas ang itinuturo sa kanila sa PMA?

Awang-awa naman si ACT-CIS 2nd Rep. ­Jocelyn Tulfo sa pamilya ng namatay na kadete.

“I am sure baka ayaw pa sigurong ­payagan ng ina ng biktima na ­umalis ang kanyang anak ­dahil ­mawawalay sa ­kanya ng matagal, ­tapos ­papatayin lang pala sa loob ng PMA. Kaya masakit sa pamilya ang nangyari,” sabi ni Tulfo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy