Una sa Balita

Plus P10 tax din kada litro ng petrolyo

By
0 6

Seryoso si Pangulong Rodrigo Duterte na ibaba sa 25% ang Income Tax ng mga Filipino taxpayers.

Pero ang kapalit, tatanggalin na ang tax exemptions sa Value Added Tax (VAT) at masasapul dito ang mga senior citizen at persons with disabilities (PWDs).

Gayundin, papatawan na ng P10 excise tax ang bawat litro ng gasolina.

Abante Hiring – IT dep

Ito ang kinumpirma mismo ni Department of Finance (DOF) Sec. Carlos ‘Sonny’ Dominguez sa unang araw ng pagdinig ng Mababang Kapulu­ngan ng Kongreso na P3.35 trilyong 2017 budget.

“With respect to the VAT proposal is to eliminate the current exemption, except for the exemption on food, medicine and education,” ani Dominguez.

Agad namang pumalag sa plano si Laguna Rep. Sol Aragones para saklolohan ang mga lolo at lola na nagsabing, “Hands off their VAT exemption. Our senior citizens need more benefits, not less.”

“For senior citizens living off their pensions, exempting them from VAT is one way the State can support them in the twilight of their lives,” dagdag pa nito.