Una sa Balita

Plunder, graft sa staff ni Napoles kinatigan ng SC

0 286

MAY batayan para sampahan ng kaso sa korte ang isa sa mga akusado sa kontrobersiyal na pork barrel fund scam na si Ronald John Lim na isa sa mga staff ng negosyante at pork barrel queen na si Janet Lim Napoles.

Ito ang tinukoy ng Supreme Court (SC) makaraang ideklara na may proba­ble cause para kasuhan ng plunder at graft si Lim dahil sa umano’y pag­lustay sa Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Sa 8 pahinang resolution ay ibinasura ng SCang petisyon ni Lim na kumukuwestiyon sa resolusyon ng Ombudsman. Hindi nakitaan ng SC ng pagmama­labis o ‘grave abuse of discretion’ ang Ombudsman nang isama nito sa kaso si Lim.

Dati na rin umanong napagpasyahan ng SC ang mga argumentong inilatag ni Lim sa mga naunang kaso na dinesis­yunan ng SC kaugnay sa kaso ng PDAF.

“We are inclined to do no less in the present case. We recognize that the acts in Cambe, which related to the illegal pillaging of public funds sourced from the PDAF of then Senator Ramon Revilla, Jr., occurred within the same timeline as the acts in the present case,” saad ng Korte Suprema.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy