Una sa Balita

Plebisito sa Cha-cha, malabong maisabay sa midterm election

By
0 461

DUDA sina Senate Pre­sident Vicente ‘Tito’ Sotto III at Senate Minority Leader Franklin Drilon na maisasabay na sa midterm elections sa Mayo 2019 ang plebisito para sa charter change.

Nagtataka si Sotto kung paanong nagkaroon na ng target date para sa plebisito gayung hindi pa nila nababalangkas ang calendar para sa 3rd regular session ng 17th Congress.

“We have not approved the calendar for the 3rd session of the 17th Congress, how can they project that timetable?” tanong ni Sotto.

Maging si Drilon ay hindi tiwalang matata­lakay pa nila nang husto ang panukala gayung nakalinya na ring pag-usapan ang panukalang budget para sa 2019 sa pagbabalik nila sa ses­yon.

Aminado si Sotto na mahabang usapin pa ang cha-cha at kailangan nilang unawain muna ang proposal ng consultative committee.

“It’s not that easy. How can you adopt something you have not studied, reviewed or understood? Madali sa salita, mahirap sa gawa.

Besides, knowing the President, he will not do that. He has never interfered with us. I doubt if he will interfere now,” paliwanag pa ni Sotto.

Sa ngayon, nagkakaisa ang dalawang lider ng senado na mananatiling panukala ang produkto ng Consultative Commission.

“All that will be subject to the perspective of the Constituent Assembly. What is being presented is a framework of the federal proposal. Nothing is written in stone as of now,” diin pa ni Sotto.