Una sa Balita

Player of the Week award sinikwat ni Standhardinger

By
0 179

NAGBUNGA ang walang kapagurang laro ni Christian Standhardinger nang gawaran ng una niyang Cignal-PBA Press Corps Player of the Week citation pagkatapos ng monster game niya sa unang laro ng PBA Governors Cup.

Mula airport pagkagaling ng Jakarta noong Sabado, dumiretso ang Fil-German sa Smart Araneta Coliseum. Patapos na ang first quarter ng San Miguel Beer-NLEX game nang dumating siya sa Big Dome, kasunod ni Road Warriors head coach Yeng Guiao.

Walang June Mar Fajardo (shin fracture), kayod agad ang 6-foot-8 rookie.

Pasok ang unang anim na attempts ni Standhardinger, mula sa second ay nagtuloy para ilista ang career-high 36 points, tatlo lang sa 17 tira ang isinablay. Nagbaba pa siya ng 17 rebounds sa loob ng kulang 28 mi­nutes.

Itinagay ng Beermen ang 125-112 panalo sa unang salang sa season-ending conference.­

Biyernes nang gabi ay nambarako rin si Standhardinger ng 27 points at 13 rebounds para tulungan ang Gilas Pilipinas sa 109-55 win kontra Syria na nagselyo sa fifth place finish ng Filipinos sa 2018 Asian Games.

Naungusan ng Fil-German na produkto ng Nebraska at Hawaii sa weekly citation ng sports scribes sina Japeth Aguilar ng Ginebra, Mark Barroca, Jio Jalalon at Rome dela Rosa ng Magnolia, Jason Perkins ng Phoenix, Jayson Castro ng TNT at Ken Ighalo ng NLEX.