Una sa Balita

Player ni coach kulang sa experience

0 377

Mga laro bukas:
(FilOil Flying V Centre)
12:00nn — JRU vs AU
2:00pm — EAC vs CSB

HINDI kuntento si Perpetual Help head coach Macky Cariño sa ipinakitang laro ng kanyang bataan.

Pero ang kanilang fans ay sobra naman ang saya sa panalo ng Lady Altas nang kalusin ang Lyceum of the Phi­lippines Lady Pirates 25-27, 25-23, 26-24, 14-25, 17-15 sa 95th NCAA women’s volleyball tournament sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City kahapon.

Nangamada si Rosal ng 20 points kasama ang 17 kills, 16 excellent receptions at 10 digs para sa Lady Altas na may 2-1 record.

Para kay Cariño, medyo nangangapa pa ang kanyang players.

“Kulang sa experience, pangit ng performance ng team ko ngayon,” hayag ni Cariño. “Majority naman ng nasa lineup ko first six ay naka-experience ng championship, pero hindi pa rin sapat” (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More