Una sa Balita

Playboy Prince Harry ikakasal sa Hollywood actress

By
0 20

Ikakasal na sa susunod na taon ang one-time playboy royal na si Prince Harry ng Britanya sa American girlfriend at aktres na si Meghan Markle.

“His Royal Highness The Prince of Wales is delighted to announce the engagement of Prince Harry to Ms. Meghan Markle. The wedding will take place in Spring 2018,” ayon sa statement na inilabas ng tanggapan ni Prince Charles nitong Lunes.

Sinabi ng 33-anyos na prinsipe na tinamaan agad ni kupido ang kanyang puso sa unang pagkikita pa lamang nila ni Markle noong 2016.

Abante Hiring – IT dep

Pinagtagpo umano sila ng mga kaibigan sa isang blind date noong Hulyo ng nakaraang taon at mula noon ay hindi na sila nagkahiwalay pero napanatili nilang pribado ang kanilang relasyon.

Nag-propose ang prinsipe sa aktres sa isang dinner sa cottage ng Kensington Palace kung saan nasa hapag kainan ang roast chicken.

Lubos naman ang kasiyahan ni Markle na suot na ang engagement ring na may diamante na dating­ pagmamay-ari ng namayapang ina ng prinsipe na si Diana­.

Tanggap naman ni Queen Elizabeth II si Markle­, isang Amerikanang may magkahalong lahi at diborsyado­, at siya pa ang nanguna sa pagbati­ sa bagong royal couple.