Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Plastik bawal na sa Cebu

0 79

Ipagbabawal na ang mga materyales na pangunahing gawa sa plastic sa Cebu.

Ito ay matapos ipasa ng Cebu City Council ang ordinansang ganap na pagbabawal sa paggamit ng lahat ng single-use plastic material sa loob ng dalawang taong transition period, na kinabibilangan ng plastic bag, straw o stirrers.

Kasama rin sa ipagbabawal ang mga materyales sa packaging o mga disposable na materyales tulad ng styrofoam.

Ipapatupad ang ordinansa sa lahat ng mga business establishment sa lungsod kagaya ng mga hotel, restaurant at fast-food chain.

Ayon kay South district City Councilor Eduardo Rama, principal sponsor ng ordinansa, napapanahon ang pagbabawal sa paggamit ng plastik para sa balanse at malusog na ekolohiya ng mga nasasakupan ng lungsod.

Leave A Reply

Your email address will not be published.