Una sa Balita

Plastic palit-bigas

By
0 285

Ipinanukala sa Kamara na kada isang kilo ng plastic na basura ay papalitan ng isang kilo ng bigas.

Naniniwala si De­puty Minority Leader at Aangat Tayo Party-list Rep. Harlin Neil Abayon na sa ganitong paraan ay maeengganyo ang mga Pinoy na boluntaryong lutasin ang problema sa plastic na basura.

Inihain ni Abayon ang House Bill (HB) No. 9170 para direktang mabiyan ng insentibo ang mga consumer na maghihiwalay ng mga plastic na puwedeng i-recycle at bibitbitin ito sa mga redemption center kapalit ng bigas, consumer item o cash.

Inihayag ni Abayon na hindi sapat na umapela lamang sa mga kababayan na ibalik ang mga bote at pabalat na gawa sa plastic.

Hindi aniya “attractive proposition” na basta isoli na lamang sa mga tindahan o lugar na pinagbilhan ang recyclable solid waste.

Kung may kapalit na gantimpala ay pihadong mahihikayat ang mga consumer na kusang loob na isurender ang mga plastic na basura.

Kapag naisabatas ay nasisiguro ng solon na aktibong makikiisa ang buong bansa sa paghihiwalay ng mga nabubulok at hindi nabubulok na basura gayundin sa pagre-recycle.

Ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mangungunang ahensya sa pagpapatupad ng mga probisyon na itinatakda ng HB 9170.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy