Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Plastic barrier sa jeep inobliga

0 49

Epektibo na ang one-seat apart policy na papalit sa one-meter distancing rule sa mga pampublikong sasakyan.

Pero ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), papayagan na ang mga pasahero na magkatabi basta’t mayroong plastic barrier na maghihiwalay sa kanila.

Nakasaad iyon sa updated health protocols para sa mga public utility vehicle (PUVs) na inilabas ng LTFRB sa pamamagitan ng Memorandum Circular 2020-061.

Dapat magsuot ng face mask at face shield habang nasa loob ng PUV.

Ipinagbabawal pa rin ang pagsasalita at pagkain sa loob ng mga pampublikong sasakyan habang ang mga pasaherong may sintomas ng COVID-19 ay hindi maaaring bumiyahe.

Nagbabala ang LTFRB na may penalty gaya ng multa at kanselasyon o suspensiyon ng prangkisa na ipapataw sa mga hindi susunod sa itinakda nilang mga guideline. (IS)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.