Una sa Balita

Plastic ban madaliin nang ipatupad

0 380

Magandang indikasyon ang pagpabor mismo ni Pangulong Duterte sa panukalang tuluyan nang ipatupad ang single-use plastic ban sa buong bansa.

Matagal na sanang umaksiyon ang gobyerno rito dahil ang plastic ang isa sa pangunahing dahilan ngayon ng polusyon sa karagatan.

Baka dumating ang araw na mas marami pa ang mga basurang plastic kaysa sa mga isda.

Asahan natin na maglalabas ng mala­king pondo ang mga dambuhalang kompanya na siyang may ibinebentang produkto na gumagamit ng single-use plastic na talamak dito sa Pilipinas.

Tila tanging ang Pilipinas lamang ang mahilig sa pagbebenta ng mga tingi kumpara sa ibang bansa.

Sa ngayon ang pinakamalakas na konsumo ng mga Pinoy sa produktong may single-use plastic ay ang mga shampoo, 3-in-1 coffee at iba pang kahalintulad na produkto.

Sinasadya ng mga negosyante ang estilong tingi-tingi ang bentahan dahil ito ay tiyak na tinatangkilik ng mga masang Pilipino.

Dapat ay maglunsad ng isang sistema ang gobyerno na sa halip na bumili ng mga ti­nging shampoo o kape ay maaaring gawin na kailangang magdala ng sariling lalagyan upang maiwasan na ang paggamit ng single-use plastic na siyang nakasama sa kapaligiran ng bansa.

Inaasahan natin na hindi madadala sa mga la-lobby ng mga negosyante ang mga mambabatas at sana ay mangibabaw ang kapakanan at interes ng kapaligiran at buong sambayanan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy