Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Plantito na: Raffy Tulfo nalula sa presyo ng mga halaman

0 148

Dumayo si Raffy Tulfo sa Cavite para mamili ng mga halaman na regalo sa kanyang misis na si Cong. Jocelyn Tulfo.

Pareho ngang nahihilig sa mga halaman ang mag-asawa, kaya ang tawag na sa kanila ay Certified Plantito, Plantita.

Anyway, naloka lang ako sa pinuntahan na garden nina Mr. Tulfo, dahil hindi ko akalain na ganun na pala talaga kamahal ang mga halaman. Imagine, may isang halaman na mabibili mo ng P12K kapag maliit pa, at puwedeng umabot ng P250K pag lumaki na.

May isang halaman na kahit maliit pa ay P20K na ang halaga, at puwedeng umabot ng P300K pag lumaki. Nakakalula, di ba?

Na kahit si Mr. Tulfo ay napapa-‘woooowwww’ dahil sa presyo.

Anyway, maganda rin naman talaga ang mag-alaga ng mga halaman. Sabi nga ni Raffy Tulfo, bukod sa mabango na kapag kasama mo sila, therapeutic din daw, na nagiging positibo ang pananaw mo sa buhay kapag kasama mo sila. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.