Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Plantasyon ng marijuana sa Benguet winasak

0 148

Isang plantasyon ng marijuana na nagkakahalaga ng P500,000 ang nadiskubre ng mga awtoridad sa Barangay Kayapa, Kibungan, Benguet kamakalawa.

Ayon sa Kibungan Police, sa tulong ng Philippine Drug Enforcement Agency-Benguet (PDEA-Benguet), ilang mga concerned citizen ang nagsumbong sa kanila na mayroong plantasyon ng marijuana sa nasabing barangay. Sinakalakay ng pulisya ang lugar at tumambad sa kanila ang nasa 5,000 tanim na marijuana na agad binunot at sinunog.

Bago ito, noong November 21 nadiskubre rin ng pulisya ang dalawang marijuana farm sa Sitio Lepsik at Sitio Mabilig, na parehong nasa Brgy. Kayapa. Binunot at sinunog ng mga operatiba ang nasa 1,160 tanim na marijuana na tinatayang nagkakahalagang P232,000.

Patuloy ang imbestigasyon kung sino ang mga nasa likod ng nasabing marijuana plantation sa lugar. (Allan Bergonia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.