Una sa Balita

Planong terror attack sa Australia napigil

By ,
0 68

Napigilan ng mga awtoridad ang planong pag-atake ng teroristang grupo sa Melbourne, Australia sa mismong araw ng Pasko makaraang madakip ang limang hinihinalang terorista sa nasa­bing bansa.

Ayon sa ulat, sinabi ni Victoria Police chief commissioner Graham Ashton, na ang limang dinakip ay plano sanang gumamit ng pampasabog at mga armas sa gagawin nilang pag-atake sa araw ng Kapaskuhan.

Kabilang sa tinatarget umano ng mga suspek ang mga matataong lugar sa lungsod partikular ng Flinders St. Station, Federation Square at St. Paul’s Cathedral.

Dahil sa pagkakadakip sa mga suspek, sinabi ni Ashton na wala nang banta nga­yon sa publiko.

Apat sa limang naa­restong suspek ay pa­wang Australian-born na nasa mga edad 20-­an­yos na pawang mayroong Lebanese background, habang ang isa pa ay isang Australian na Egyptian origin.

Sinasabing pawang ‘self-radicalised’ ang mga suspek subalit sinusubaybayan ng mga ito ang propaganda ng Islamic State (IS).

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy