Planong temporary storage ng BOC tinutulan


Mariing tinutulan ng mga port stakeholders kabilang ang business groups at foreign invest­ors ang bagong polisiya na nakatakdang ipatupad ng Bureau of Customs (BOC) kung saan magkakaroon ng temporary storages para sa overstaying o abandoned nang goods.

Paliwanag ng BOC ang paglalagay ng temporary storage ay alinsunod sa Customs Modernization and Tariff Act na naisabatas noong 2015. Sa ngayon umano ay nakipagpulong na ang ahensya sa mga stakeholders at naka-draft na rin ang Customs Administrative Order (CAO) para dito.

Subalit tutol dito ang mga stakeholders partikular sa probisyon na nakapaloob sa CAO na magtatatag ng Customs Facilities and Warehouses na siyang mangangasiwa sa temporary storage facilities.

“This order shows how inefficient Customs is. The provisions contained in the draft CAO are asking for too much and what should be the BOC’s responsibili­ty is unreasonably being transferred to the business sector,” ayon sa mga stakeholders.

Giit ng mga stakeholders mawawalan ng silbi ang Philippine Ports Authority (PPA) kapag nagkataon.

Nakasaad din sa draft CAO na magdidikta ng bagong bayarin ang BOC para sa temporary storage na tiyak umano na magreresulta para mani­ngil din ng dagdag bayad ang mga cargo.

“The order does not only discourage foreign investors, it also threatens to jack up prices of commodities,” giit pa ng grupo.

SHARE