Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Plano sa jobless aabangan sa SONA

0 686

Umasa si Senador Joel Villanueva na tatalakayin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ang planong makalikom ng trabaho para sa milyong Pinoy na nawala ng trabaho, lalo na ang mga overseas Filipino worker (OFW) sa gitna ng COVID-19 pandemic.

“Mahalaga po na matalakay ang plano ng ating gobyerno kung paano tutugunan ang problema sa kawalan ng trabaho ngayong pandemya,” pahayag ni Villanueva, chairman ng Senate committee on labor.

“Habang wala pang bakuna laban sa COVID-19, tuloy pa rin po dapat ang buhay at kailangan maging handa ang bawat isa sa atin na mag-adjust sa new normal,” dagdag pa nito.

Ngayong 7.3 milyon na naitalang nawalan ng trabaho, dapat umanong magsilbing guideline ang SONA ng Pangulo sa lahat ng ahensya ng gobyerno para makabuo at magpatupad ng mga polisya na magsusulong para makababangon ang ekonomiya ng bansa. (Dindo Matining)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.