Una sa Balita

Plano mo ngayong Pasko?

By
0 29

Ano nga ba ang hiling at plano ng mga a­rtista ngayong Pasko?

“My plan is to have dinner with my family because that’s what’s Christmas is for, right? Atsaka ang dami kong natanggap na blessings this year na kasama ko ang pamilya ko. I think it’s a beautiful thing if I thank the good Lord with them,” sabi ni Dingdong, ang bida sa Alyas Robin Hood.

“I will be with family and friends and just enjoy life… simple life,” say naman ng bida sa Ika-6 Na Utos, si Gabby Concepcion.

“Sa amin kasi, Christmas Eve is with and for my family. Sa 25th naman, mga inaanak. Tapos on the 26th, pupunta na akong Japan. Magwa-white Christmas kuno. I want to relax eh,” sabi naman ni Allan K, ang isa sa mga host ng Eat Bulaga at Superstar Duets judge.

“Plano ko sa Palawan kasi every year, I go there to spend Christmas. I find it special kasi,” sey naman ng Sa Piling Ni Nanay actress na si Katrina Halili, na isang magandang paradise getaway daw talaga ang gusto niya.

Anyway, ano man daw ang gagawin nga­yong Pasko, hindi mahalaga kung saan o paano ito mangyayari. Ang importante ay maging masaya para maramdaman ang magic ng Pasko.