Planetang Venus kikislap sa Dis. 8

Makikita sa kalangitan buong buwan ng Disyembre ang planetang Venus.
Pero sa Disyembre 8 ito pinaka-magliliwanag, ayon sa PAGASA.
Bukod dito, magkakaroon din ng Moon-planetary conjunctions, kung saan makikitang malapit ang buwan sa iba pang planeta.
Dagdag ng PAGASA, para sa buong buwan ng Disyembre, ang Venus ay makikita sa timog-kanlurang bahagi ng kalangitan pagkatapos ng paglubog ng araw.
Gayunpaman, sa huling bahagi ng Disyembre, magiging mahirap na umanong makita ang Venus. (IS)