Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Plane crash sa Russia, 16 patay

0 98

Patay ang 16 katao habang anim ang nasugatan matapos mag-crash ang eroplanong sinasakyan ng mga parachute jumpers sa Tatartan region sa Russia.

Sa report, ayon na rin sa Health Ministry, bumagsak ang L-410 Turbolet twin-engine short-range transport aircraft sa Menzelinsky kung saan lulan ang 20 parachutists at 2 crew.

Kritikal ngayon ang anim sa nasugatan. Inaalam naman kung ano ang sanhi ng pagbagsak.

Leave A Reply

Your email address will not be published.