Una sa Balita

Pitik ni O’Neal kay LeBron

'wag nang mag-ambisyon!

By
0 2,735

May payo si Hall of Famer Shaquille O’Neal kay LeBron James: Huwag nang ambisyunin na tumalon sa ibang team para maghabol ng championship.

Sa mga huling taon ng kanyang 19-year career, nagkumahog si Shaq para habulin ang kampeonato, nagpalipat-lipat ng team.

Walang nangyari, at ayaw niyang magaya sa kanya si LeBron, 33.

“My problem toward the end of my career was I was trying to shut everybody up and I was greedy,” paliwanag ni O’Neal sa ESPN. “After I got to three (titles), everybody was saying I couldn’t get ­another. So I got four.”

Pagkakuha ng pang-apat, pinagdiinan ng mga kritiko na hindi na niya kaya ang isa pa.

“So I was trying to make quick stops to get it. Phoenix, Cleveland, Boston,” dagdag ni Shaq.

Nakatatlong titulo sa Los Angeles Lakers si O’Neal, nakaisa pa sa Miami pero bokya na sa huling tatlong taon ng career.

Isa na raw alamat si Le­Bron, hindi na niya kailangang magpasiklab at maghabol ng ring dahil nakaukit na ang pangalan sa hanay ng mga “greats” ng NBA.

“So LeBron’s book is ­already set. He done already passed up legends, he done already made his mark – he has three rings,” dagdag ni O’Neal.

Wala nang dapat patuna­yan si LeBron na makalipas ang 15 seasons ay ikinukum­para na kay Michael Jordan.

Malamang daw ang mentalidad ni James ay ikahon ang pang-apat bago maunahan ni Stephen Curry.

“But if I was him, I wouldn’t be trying to get four, five and six because it ain’t ­going to matter.”

Puwedeng maging free agent si James sa Hulyo, may option na lumipat o manatili sa Cleveland.