Una sa Balita

Pita Taufatofua, heartthrob ng 2016 Rio Olympics!

By
0 136

Pinagkakaguluhan ngayon ng mga netizens ang tinatawag nilang “heartthrob of the Olympics” na si Pita Taufatofua ng bansang Tonga.

Si Pita ang naging flag-carrier ng kanyang bansang Tonga sa ginanap na opening ceremony ng 2016 Rio Olympics noong nakaraang Friday. Kapansin-pansin ang matipuno niyang dibdib na kumikislap dahil sa pinaghalong pawis at coconut oil.

Ang 32-year old Tongan na lumaban sa taekwondo competition ng Olympics ay nakatanggap na ng numerous job offers mula sa pagmo-model ng active wear at underwear, movie offers at nakatanggap din siya ng maraming marriage proposals.

Naging hit din siya sa mga athletes sa loob ng Olympic Village dahil maya’t maya ay may nagpapa-selfie sa kanya.

Umabot na rin sa 75,000 ang follo­wers niya sa Instagram at kinailangan niyang patayin muna ang kanyang cellphone dahil walang tigil ang mga text at tawag sa kanya.

“I got onto the bus Friday night, turned on my phone and I was shocked. Someone told me, ‘You’ve done more for Tongan tourism in one night than the past 20 years of advertisement.’

” sey pa ni Pita nang basahin niya ang isang text message sa kanya.

Attention grabbing ang naging costume ni Pita sa opening night. Suot niya ay ang tinatawag na Ha’apai, isang traditional tupenu wrap. May suot din siyang shark tooth necklace. Paraan daw niya ito para ma-honor ang kanyang ama.

Dahil sa kanyang seksing katawan, marami ang gumawa ng mga memes. Isa raw na paborito ni Pita na shirtless photo niya sinama­han ng message na: “This is why they give out 42 condoms to every Olympic athlete.”

Lumaki si Pita sa isang small village in ­Tonga called Ha’apai. Bata pa lang siya ay nag­trabaho siya sa isang farm kunsaan binabayaran siya ng 20 cents a week at iyon ang iniipon niya para pang-lunch money niya sa school.

Nabuhay raw silang magkakapatid sa pagkain ng bread and butter. Masuwerte na lang kung may kasama pang mango na kailangang akyatin pa nila ang puno nito.

“Every third Friday, I’d save up enough to buy an egg burger. That was the day I looked forward to for three weeks,” sey pa ni Pita.

Napagtapos din si Pita ng kanyang ama sa kolehiyo with a degree in engineering. Pero naging dream nito ay makasali sa Olympics ­dahil favorite sport nito ang taekwondo.

Since 2004 ay nag-try out siya for the Olympics hanggang sa makapasok na nga siya sa ­taong ito.

Marami raw siyang pinagdaanan na hirap bago siya tuluyang ma-qualify sa 2016 Rio Olympics.

“The hardest one for me was 2008. I had worked so hard and I was winning until I ­fractured my foot. I had a tennis ball-sized lump on my foot, and I wanted it so bad I kept ­kicking him until the lump exploded. It wasn’t pretty. That was hard for me to take.

“It took me my whole life to get here, so I appreciate it so much more because of how long it took,” pagtapos pa ni Pita Taufatofua.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy