Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pistons kuha ang No. 1 pick

0 134

NANALO sa lottery ang Detroit Pistons, nakuha ang No. 1 pick sa 2021 NBA Draft na ikakasa sa July 29, si Oklahoma State guard Cade Cunningham ang matunog na top selection ngayong taon.

Binantayan ni Pistons great Ben Wallace ang proceedings. Binomba ng bagong Hall of Fame ng kanyang kamao ang mesa, pumalakpak bago tumuro pataas.

Pagkatapos ng masagwang season, nagkaroon ng tsansang makahugot ng mahusay na ayuda sa draft ang Detroit.

“We get to add another young player to the restoration process,” ani Pistons general manager Troy Weaver. No. 2 pick ang Houston, No. 3 ang Cleveland kasunod ang Toronto. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.