Una sa Balita

PISTON may tigil-pasada ngayon

By
0 1,709

KASADO na ang isasagawang tigil-pasada nga­yong araw ng mga transport group na pina­ngungunahan ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) bilang pag-alma sa mahigit 2,000 pampasaherong jeep na tiniketan dahil sa pagpapatupad ng jeepney modernization program.

Magiging sentro ng tigil-pasada sa Metro Manila ay ang mga lugar ng Novaliches at Cubao sa Quezon City, Monumento sa Caloocan City, Anda Circle sa Maynila at Alabang sa Muntinlupa City.

Nakahanda naman umano ang Philippine National Police at Metropolitan Manila Development Authority gayundin ang mga lokal na pamahalaan para umalalay sa mga maaapektuhan ng tigil-pasada. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy