Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Piston humirit: Ibalik pasada lahat ng jeep

0 264

Nanawagan sa pamahalaan ang transport group na Piston na payagan nang makabalik sa pamamasada ang lahat ng mga pampasaherong jeepney.

Ito ang hiling ni Mody Floranda, National President ng Piston sa panayam ng radyo. Aniya, sana umano ay mapayagan na ni Pangulong Rodrigo Duterte na makapamasada muli ng 100 porsiyento ang mga pampasaherong jeep.

“Tayo naman po ay handang sumunod sa policy, patakaran ng IATF (Inter-Agency Task Force. Handa naman tayong sumunod,” ayon kay Floranda.

Kahapon, Miyerkules pinayagan na ng sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). na makabiyahe ang may 2,000 tarditional jeepney sa 17 ruta sa Metro Manila.

Pero ayon kay Floranda, ang mga ito ay maiiksing ruta lamang at may ilan ay kasama na sa unang 49 na rutang binuksan noon. Sinabi rin ni Floranda na halos 5 buwan na silang walang hanap-buhay para sa kanilang mga pamilya sa gitna ng pandemya. “Limang buwan na rin tayong nagaasam-asam sa sinasabi nilang subsidiya o tulong,” sabi niya.

Kahit dalawang beses na umanong nagbigay ng tulong pinansiyal ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), marami pa rin sa kanilang sektor ang hindi pa natatanggap na ayuda. “Malinaw sa report ng DSWD noong June, 36,224 pa lang ‘yung kanilang nabibigyan ng ayuda sa hanay ng sektor ng transportasyon,” saad niya.

Aniya, sa National Capital Region pa lamang ay nasa 200,000 ang mga driver at operator at maliit na bahagi pa lamang ang nakatatanggap ng ayuda. (Riz Dominguez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.