Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pista, prusisyon ibawal – Gatchalian

0 85

Dapat ipagbawal ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases ang pagdaraos ng pista, parada at prusisyon habang patuloy ang pakikipaglaban sa coronavirus pandemic, ayon kay Senator Sherwin Gatchalian.

Sabi ng senador, hindi pa tapos ang laban kontra COVID-19 kaya’t huwag munang payagang magsagawa ng naturang mga aktidades.

“Hindi pa tapos laban natin sa Covid. Dapat mahigpit na huwag payagan ng IATF ang lahat ng fiesta, prusisyon, street parades, mass gathering at mass celeberations,” sabi ni Gatchalin sa kanyang Twitter post.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Dapat i-ban na kaagad,” dagdag pa nito.

Ginawa ni Gatchalian ang pahayag matapos lumabas sa Octa Research team na tumaas ang kaso ng COVID-19 nitong nagdaang Christmas holiday.

Nitong Enero 12, nakapagtala ang Pilipinas ang kabuuhang 491,258 kaso: 28,532 ay aktibo, 458,172 ang nakarekober habang 9,554 naman ang namatay.

Ipinagbabawal ang mass gathering sa ilalim ng general community quarantine. (Dindo Matining)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.