Una sa Balita

Piso vs dolyar bumagsak sa P53

By
0 1,363

BUMAGSAK ang piso sa P53 laban sa dolyar sa pagbukas ng merkado kahapon, ang pinakamababa nito simula noong 2006.

Humina pa ito sa P53.26 bago magsara sa P53.23 laban sa dolyar.

Sinisisi ng mga analyst ang pagbagsak ng piso sa paghina ng export ng bansa at sa paglakas ng dolyar dahil sa mga inaasahang policy sa America at pag­hupa ng tensiyon sa Pacific dahil sa pagkikita ni US President Donald Trump at ni North Korean Supreme Leader Kim Jong-un.

Sa tuwing humihina ang piso ay nagmamahal ang mga produktong inaangkat ng Pilipinas tulad ng langis at bigas pero dumarami naman ang nagagastos ng mga pamil­yang umaasa sa padala ng kamag-anak na OFW.

Mas mahina na ang piso kaysa sa target ng pamahalaan na P48 hanggang P51 para sa taong ito.

Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, ganansya ang pamahalaan ‘pag humihina ang piso dahil lumalaki ang nakokolekta ng Bureau of Customs (BOC).

Nagkakaroon ng karagdagang P7.4 bil­yong panggastos ang pamahalaan sa tuwing humihina ng isang piso ang halaga ng piso laban sa dolyar dahil lumalaki ng P9.5 bilyon ang koleksiyon ng BOC at P2.1 bil­yon lamang ang nadaragdag sa gastusin nito.