Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Piso tuloy sa pagdapa, presyo ng bilihin sisirit pa

0 99

Naniniwala ang mga negosyante na lalo pang babagsak ang palitan ng piso laban sa dolyar sa susunod na 12 buwan habang magmamahal naman ang interes sa mga pautang at tataas pa ang inflation rate.

Ito ay ayon sa Business Expectations Survey na isinagawa ng Bangko Sentral ng Pilipinas mula Abril 18, 2022 hanggang June 1, 2022 kung saan 1,509 na mga negosyo ang repondents.

Gayunpaman, sinabi ng BSP na tumaas ang kumpiyansa ng mga negosyante sa kabuuan noong second quarter ng taon kung ikukumpara sa first quarter ngunit nabasan naman ang kompiyansa nila para sa third quarter pero positi¬bo pa rin.

Sabi ng BSP, positibo ang pananaw ng mga negosyante para sa 2nd quarter dahil lumuwang na ang mga paghihigpit dahil sa COVID-19 at nagbubukas na ang ekonomiya at bumabalik na sa normal.

Tumaas din ang kanilang mga benta at order dahil sa halalan. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.