Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Piso lumagapak sa pinakamababa mula 2005

0 122

Bumagsak ang piso at nagsara sa palitan na P55.67 laban sa dolyar kahapon, pinakamababa mula 2005 nang maraming nawalan ng kompiyansa sa ekonomiya at pamamalakad nito dahil sa tinatawag na “Hello Garci” scandal.

Nagbukas ang piso sa palitan na P55.42, mas mababa sa P55.23 na huling transaksiyon noong Martes, at sumadsad pa sa P55.72.

Umabot sa $1.245 bilyon ang bentahan sa merkado at nag average ang piso sa P55.574 laban sa dolyar.

Sinasabi ng ilan na ito ay dahil sa lumalakas ang dolyar sapagkat nagbabanta na ang US Federal Reserve ng mga hakbang na magpapalakas nito tulad ng pagtataas ng interest rates.

Kasama ang problema sa mas nagmamahal na presyo ng mga inaangkat ng bansa tulad ng mga produktong petrolyo, trigo, at iba pa kaya’t kakailanga¬ning ng importers ng mas madaming dolyar para bayaran ang kanilang mga binibili. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.