Una sa Balita

Pirmadong deed of sale matibay na ebidensya

By
0 13

Dear Atty. Claire,

Good day Attorney Claire, pakitulungan n’yo nga po kami sa pamamagitan ng inyong ekspertong kuro-kurong legal tungkol sa nabili naming lupa. Nakabili po kami ng lupa mula sa tiyuhin ko na kapatid ng tatay ko nang 300 square meters noong 1993 mula sa kabuuan ng lupa na 1,108 sq. meters more or less ayon sa Tax Declaration na pag-aari ng tiyuhin ko. Ngayon po, last year ko lang po nakita yung Deed of Sale ng bilihang iyon, hindi po pala napanotaryohan ng mga magulang ko nung 1993 pa.

Ngayon po, isinangguni ko po sa abogado at sabi po ay kailangang gumawa ng bago at papirmahan ulit para mapanotaryo pero ayaw na po pirmahan ng tiyuhin ko kasi po ay may balak po syang makuha ulit iyong 300 sq. m.

namin kasi po ipinamamalita nya sa lugar namin na kanya pa daw po ‘yon at one day daw ay kanya ulit ‘yon pero pirmado po silang mag-asawa sa original na deed of sale na di napanotaryohan nung 1993 at narinig ko po ang usapan nilang pamilya na parang gustong magpadagdag po ng pera kasi po nabili po namin yung lupa namin ng 30,000 pesos po.. Ano po ang dapat naming gawin.
Salamat po, — Joel S.

Joel,
Nakakalungkot na sari­li mo pang kamag-anak ang gustong manloko sa inyo Pero magagawan ‘yan ng paraan dahil pirmado sila sa isang Deed of Sale na siyang patunay na talagang naibenta na iyan sa inyo.

Unang gawin ay dumulog muna sa barangay na may sakop sa kanila at dun ka mag-demand na dapat silang humarap sa notaryo publiko upang maging ganap na kumpleto ang unang hakbang ng pagpapalipat ng ari-arian sa inyo.

Kung ayaw niyang gawin ay mapipilitan kang magsampa ng kaso o complaint for Specific Performance para utusan sila ng korte na gawin ang kanilang obligasyon. Maari ka ring humingi ng danyos dahil sa kanilang ipinakitang bad faith.

***

Kung may katanu­ngan pa ay tumawag lamang sa 410-7624 o mag email sa attorneyclaire@gmail.com