Una sa Balita

Pirates martsa sa Final Four

0 2

Mga laro ngayon: (Filoil Flying V center)
12:00 p.m. – JRU vs. San Beda
2:00 p.m. – EAC vs. AU
4:00 p.m. – Mapua vs. Letran

Inararo ng Lyceum of the Philippines ang 94-83 panalo laban sa Perpetual Help kahapon para upuan ang unang silya sa Final Four ng 93rd NCAA basketball tournament sa FilOil Flying V Center sa San Juan.

Kumayod si CJ Perez ng 21 points, nine assists at five rebounds at nilista ng Pirates ang malinis na 13 panalo sa gayunding daming laro. Subalit ang bumuhay sa enerhiya ng Lyceum ay ang kambal na Jayvee at Jaycee Marcelino.

Pagkasalang nila sa loob ng basketball court ay biglang lumiyab ng 12-2 run ang Pirates para paypayan ang 83-70 advantage sa fourth quarter.

Pumalag ang Altas, humarurot din ng 11-2 blast para tapyasin sa apat ang hinahabol 2:10 pa sa payoff period.

Umiskor ng panelyong puntos sina Perez at Jaycee para ilayo muli ang Lyceum 92-81, 41.5 ticks na lang.

Tumapos si Jayvee ng 15 points, may 11 si Jaycee.

May game-high 26 points si Prince Eze pero hindi napigil ang Altas sa pagsadsad sa 4-8.