Una sa Balita

Pipi, bingi pinag-aral: Anne hulog ng langit sa mga PWD

0 283

Nag-post ang host/actress na si Anne Curtis ng kanyang fresh look na umaapoy sa pulang lipstick at OOTD (outfit of the day) kamakailan.

“Kulang na lang toga and cap,” sabi ni Anne, karugtong naman noon ay sinabi niyang ganoon ang awra niya para sa agenda niya sa araw na iyon which is ang premiere night ng kanyang movie na “Just A Stranger”.

Guess what? Kaya pala ganoon ang kanyang caption ay dahil napagtapos niya na ng pag-aaral ang isa sa mga scholar mula sa kanyang project charity sa Dream Machine na si Sareena Calonzo.

Masaya at proud si Anne kay Sareena na ngayon ay nagtatrabaho na sa kabila ng sitwasyon nito bilang deaf and mute.

Labis nga ang pasasalamat ni Sareena kay Anne dahil malaking bagay ang pagtulong nito sa kanya at patuloy rin itong mas nagkakaroon ng motivation dahil sa kanyang idolo na mismong tumutulong sa kanya.

Nagpasalamat din ang aktres sa mga kompanya na tumatanggap sa mga katulad ni Sareena sa kabila ng kundisyon na mayroon ito.

Maraming fan ang mas bumilib o humanga sa aktres nang mapag-alaman ang scholarship o oportunidad na ibinibigay nito sa mga nangangailangan.

Makikita rin sa opisyal na Instagram account ng Dream Machine na mahal na mahal ng mga ito ang aktres dahil sa ‘di mapantayang kabutihang ibinibigay nito.

“Deserve talaga ni Anne ang success ng movie niya,” sabi pa ng isa sa mga fan. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy