Una sa Balita

Piolo, Vilma magkatuwang sa pagpapasaya ng mga nasalanta

0 390

Bukod sa anak na si Luiz Manzano na patuloy sa pagpapadala ng mga pagkain, gamit, kay Cong. Vilma Santos Recto, bilang pantulong sa mga biktima ng Taal, ang isa pang sikat na personalidad na visible at nakipag-ugnayan na rin kay Ate Vi ay si Piolo Pascual.

“Thank you for the help, support and inspiration Papa P./Cong. Len and company. Maligaya ang mga Batangueño. Love you Papa P.”—mum.

Anak nga ang turing ni Vilma kay Piolo na nakasama niya sa pelikulang Dekada 70.

Sa totoo lang, kahit na ano pang paninira ng iba kay Piolo, hindi maitatanggi na isa siya sa madalas na nangunguna sa pagbibigay ng tulong sa mga kababayan natin na nangangailangan ng tulong.

Marami kaming alam na natulungan ni Piolo, na hindi na lang nailathala.
Kaya sabi nga ni @rtemayor: “Kahit anong bad publicity pinupukol kay Piolo, he’s so blessed, because he’s a good person, keep it up.”

@jojomabolo: “@rtemayor tama ka dyan lalo na ‘yung tatlong mamamahayag na walang ibang alam kundi bigyan lahat ng malisya ‘yung mga ginagawa ni Piolo. sa akin lang, kung sakaling totoo e ano naman?! bakit ba sila gitil na gi­til sa issue ng kasarian at sino ang kasama?! e ano naman ngayon?! ‘di ba?! nababawasan ba ang pagkatao at kaban nila sa existence ni Piolo?! ang oa na kasi?!”

lea12c: “Ganda sa pakiramdam na ang daming artista naghe-help sa mga Taal victims. Mabuhay ka­yong lahat na nagtutulong.” (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More