Una sa Balita

Piolo tahimik na tumulong sa mga nasalanta

0 434

Walang photo op:

Namataan ng mga netizen ang ginawang pagpunta ni Piolo Pascual sa Batangas para mag-abot ng tulong sa mga nasalanta nating mga kababayan.

Post ni @ceejaybalmaced2, “Maraming Salamat po sa pagtulong at pagbisita sa Lungsod ng Santo Tomas.”

Lalong hinangaan ng mga tao si Papa P. na hindi kinailangang isapubliko ang ginagawang pagtulong.

“Saludo sa mga personalities like Piolo pascual na tumutulong ng direkta at walang agenda,” tweet ni @AsiasTweetybird.

Saad ni @LiMsMaymay07, “Pati pala si Piolo Pascual mahilig din yan tumulong sa tahimik na paraan. Again, mas admirable talaga yung mga di papansin na artista.

Ayon sa ulat ni MJ Felipe, nakaikot ang Kapamilya star sa apat na evacuation center sa Sto. Tomas at Tanauan Batangas.

Bukod kay Piolo, marami na ring Kapamilya star ang nag-organisa ng kani-kanilang donation drive at pumunta na din sa evacuation centers para tumulong tulad nina Karla Estrada, Jayson Gainza, Matteo Guidicelli at iba pa. (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More