Una sa Balita

Piolo super hate mag-endorse ng mga politiko

0 557

abante-paistaran-dondon-serminoSigu­rado na ngang may ka-date si Piolo Pascual sa Araw ng mga Puso (Feb. 14). Pero chika niya, wholesome date raw ‘yon.

Sa Batangas nila planong mag-date ng taong malapit sa puso niya. Duda nga nila, nanay niya ang ka-date niya, o nanay ng anak niyang si Iñigo Pascual.

“Sa Batangas lang. Wholesome lang talaga,” natatawang chika niya nu’ng ma-corner siya ng media sa presscon ng “Kuya Wes” ang pelikula ni Ogie Alcasid, na kung saan ay isa nga si Piolo sa mga prodyuser.

Si Iñigo raw ay darating sa Feb. 13, kaya sama-sama silang magdi-date.

Sa ngayon, wala na ngang mawi-wish si Piolo. Ang dami ngang nagtanong sa kanya nu’ng birthday niya kung ano pa ba ang gusto niyang makuha sa buhay.

“Wala na akong birthday wish. Safe to say na na-achieve ko na rin ang mga gusto kong marating. I’m at a point na nag-iisip pa rin kung ano pa ang mga dapat kong gawin.

“Hinahanap ko pa rin kung ano ang puwede kong gawin. Like, sabi nila, mag-concert daw ako? Pero, malabo na ‘yon.

“Booked na ako hanggang September. Hindi rin ako makapagplano, kasi puno na at ang da­ming pumapasok na endorsements,” sey ni Piolo, na ang latest pro­duct nga na ini-endorse ay ang Potato Giant.

Pero, kung may mga endorsement nga siyang tinatanggihan, ‘yun ay ang mga politiko. Ayaw na ayaw nga niyang mangampanya, mag-endorse ng kahit na sinong kandidato.

“Wala, ang dami nga, pero ayoko talagang mangampaniya! Wala kaming tinanggap na kahit ano. Ayoko nang makisalo sa poli­tics. Kung ano na lang ang maitutulong ko sa ibang tao, ganun na lang,” sabi ni Piolo.

Bianca, Miguel ayaw matulad kina Alden, Maine

Tuloy-tuloy ang pakilig nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix sa mga fan nila, dahil sila pa rin ang mapapanood sa episode ng “Daig Kayo ng Lola Ko” sa Linggo sa GMA 7. Hiling nga ng mga fan, huwag na huwag bubuwagin ang mga idolo nila.

Ayaw nga nilang matulad ang Miguel-Bianca tandem, sa Alden Richards, Maine Mendoza, na hindi na nagsasama sa mga proyekto.

Kaya naman todo suporta sila sa “Daig Kayo ng Lola Ko” na kung saan ay gumaganap na superhero si Bianca.

Sa episode sa Sunday, sasabihin ni Giging sa Fairy Gosh Monkey that she wants to give up as a superhero because she feels that she is slowly losing her loved ones. Fairy Gosh Monkey puts some sense into Giging as she tells her that Harvey, Otep, and Petra will be more in danger if she doesn’t defeat the elementals, and if she doesn’t finish her mission.

Giging gets the fairy’s point. Soon, Giging realizes that she has gone this far and she wouldn’t quit that easily.

Kinundisyo na nga ni Giging na kalimutan si Harvey. Na sa tingin ni Otep ay under Chiqui’s spell si Harvey. To prove their theory, Gi­ging follows Harvey and Chi­qui. To Giging’s surprise, she sees Chiqui transform into Chick Balang once Harvey has left. Giging tells Harvey the truth but the guy doesn’t believe her.

Humingi ng tulong si Giging sa Fairy Gosh Monkey, and the latter teaches her a chant that will break the love spell. As taught by the fairy, Giging chants over a turon and lets Harvey eat it. The plan works, and Harvey now sees Chiqui as just a friend. This infuriates Chiqui, who transforms into Chick Balang in front of Harvey, Giging, Otep, and everyone in the plaza.

Chick Balang tries to chase after Harvey, but he runs fast with Giging, Otep, and the rest of the townsfolk.

Giging runs away from Harvey and Otep, as she secretly transforms into Super Ging. The superhero engages in a fight with Chick Balang. Bongga, ‘di ba?

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy